Kim Domingo: Mula sa Little Miss Philippines, YouTube sensation, hanggang calendar girl | Bandera

Kim Domingo: Mula sa Little Miss Philippines, YouTube sensation, hanggang calendar girl

Ervin Santiago |October 20,2016
facebook
share this

Kim Domingo: Mula sa Little Miss Philippines, YouTube sensation, hanggang calendar girl

Ervin Santiago - October 20, 2016 - 12:05 AM

kim domingo

PUMAYAG si Kim Domingo na maging Ginebra Calendar Girl 2017 dahil matagal na niyang pangarap ang mapasama sa listahan ng mga hot and sexy celebrities ng GSM.

Kahapon, ipinakilala ng GSM sa pangunguna ng brand manager nitong si Paolo Tupaz, si Kim bilang 2017 Calendar Girl sa isang bonggang presscon na ginanao sa Sequoia Hotel sa Quezon City. In fairness, talagang tulo-laway ang mga kalalakihang nasa eveng nang rumampa na sa stage ang model-actress.

Ibig sabihin, kahilera na ni Kim ang mga past Ginebra San Miguel Calendar Girl na sina Ellen Adarna (2015), Marian Rivera (2009 at 2014), Georgina Wilson (2013), Solenn Heussaff (2012), Anne Curtis (2011) at Arci Muñoz (2016).

Sey ni Mr. Tupaz, napili nila si Kim dahil mabuting ehemplo ang dalaga para sa kanilang “Ganado Sa Buhay” marketing campaign. Aniya ang kwento ng paglalakbay ni Kim para marating kung nasaan siya ngayon ay talagang inspirasyon para sa mga Pilipinong nangangarap na magkaroon ng magandang buhay.

Matagal nang pangarap ni Kim ang maging artista at ngayon bilang isa sa mga brand ambassadors ng GSM, umaasa ang pinakabagong calendar girl na mabibigyan siya ng mas marami pang oportunidad upang maipamalas ang kanyang mga talento.

“Noon pa man alam ko na kung ano ang gusto kong gawin at ano ang gusto kong marating sa buhay. Dahil nag-iisa akong anak, natutunan kong tumayo sa sarili kong mga paa. Ngayon unti-unti ko ng natutupad ang aking mga pangarap.

“Para sa ating mga kabarangay gusto ko lang sabihin na kung tayo ay mananatiling matatag, determinado at ganado sa buhay, kaya po nating umangat at maabot ang ating mga pinapangarap,” pahayag ni Kim.

Unang natikman ni Kim ang showbiz limelight nang sumali siya noon sa “Little Miss Philippines” ng Eat Bulaga hanggang sa masundan na nga ito ng pagsali niya sa mga talent reality competitions at naging modelo, pero mas nakilala siya ng madlang pipol nang mag-viral ang mga lip sync videos niya sa YouTube at pagsasayaw nang seksi, tulad ng sikat na sikat pa rin ngayon na Trumpets.

Katatapos lang ng unang serye niya sa GMA, ang Juan Happy Love Story kung saa nakasama niya sina Heart Evangelista at Dennis Trillo kung saan tumatak siya sa manonood bilang “kabit”. Regular na rin siyang napapanood sa Bubble Gang.

Kamakailan ay ni-launch na rin ang kanyang unang album under GMA Records with her debut single “Know Me”. Umaasa rin ang dalaga na mapapasama sa official entries ng MMFF 2016 ang pelikula nila ni Vhong Navarro na “Mang Kepweng” at very soon ay sisimulan na rin daw niya ang bago niyang serye sa GMA.

Anyway, may temang “cheeky & geeky” ang kalendaryo na ilalabas ng Ginebra kung saan ipakikita ang fun and quirky side ni Kim na tiyak na ikababaliw ng kanyang mga male fans, pati na rin ng mga tibo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending