Jake: Wala akong naging problema sa love scene!
NAHIRAPANG mairaos ng baguhang akters na si Loren Burgos ang love scene nila ni Jake Cuenca sa indie movie na “Mulat” mula sa direksyon ni Diane Venrura.
Hindi niya kasi personal na kilala ang aktor, “He was completely a stranger to me! ‘Yun ang challenge sa akin. ‘Yung ipakita na meron talaga kaming relasyon. Ilang years na kami together.
“So sa mga intimate scene, sobrang awkward di ba? Hindi mo kilala ‘yung tao! Ha! Ha! Ha! So ang ginawa ko, ‘Puwede bang magyakapan tayo para mawala ‘yung awardness? I really didn’t know how to make that instant chemistry. Ganoon ba ‘yon? Lalo na kapag hindi mo kilala ‘yung tao.
“Nagsi-share na kami ng secrets, feelings sa isa’t isa para lang maging komportable kami,” pahayag ni Loren.
Wala naman daw naging problema sa maiinit niyang eksena dahil single pa siya nang gawin ang movie, “Ngayon, kunwari walang boyfriend! Ha! Ha! Ha!”
Paano naman inalalayan ni Jake si Loren sa love scenes nila sa movie? “Inalalayan ko siya at first day, tapos ‘yun agad! Hindi. Sobrang bait niya at napanood niya ako sa workshop. Kahit strangers kami, she has no idea who I was, inalalayan ko siya. All my leading leadies, never akong nagkaroon ng problema sa love scenes. It’s work.
“Inalalayan ko lang siya. It’s just a work and we got over it. We’re just creating art and nothing personal,” rason ni Jake.
“Sanay kasi siya. Ako, hindi. Nu’ng first time kong nakita siya, ‘Ang guwapo pala ni Jake!’ Ha! Ha! Ha! Nakaka-intimidate, nakakakaba so, tinago ko lang ‘yon. Pero at least mabait siya so naging kompoortable na rin ako,” katwiran ni Loren.
Sa showing ng “Mulat” sa Nov. 2, dagdag atraksyon ang unang short film ni Direk Diane na “The Rapist” na pinagbidahan ni Cherie Gil. Sa pelikula namang “Mulat” nanalo ng best actor award si Jake mula sa International Film Festival-Manhattan at sa Brazil Cinema Festival.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.