Bossing ng GMA kinumpirma ang unang serye ng AlDub: Hindi namin sila paghihiwalayin!
MISMONG ang GMA Films President na si Atty. Annette Gozon ang nagkumpirma sa AlDub Nation na inihahanda na ang soap opera na gagawin nina Alden Richards at Maine Mendoza.
Naganap ang kanyang announcement sa nakaraang AlDub Nation Fest.
In-assure din ni Annette na hindi nila paghihiwalayin sina Alden at Maine sa susunod nilang proyekto. Walang ibang artistang makakapareha nila, “Alden and Maine are here to stay!” sabi ni Atty. Annette.
Gaya ng movie nilang “Imagine You & Me”, kailangang busisiin nang husto ang unang TV series ng dalawa. Hindi puwede ‘yung basta puwede na lang, huh!
Eh, kung nakapaghintay ang ADN sa launching film ng kanilang mga idolo, the more na kailangan nilang magtiis muna hangga’t hindi nasasalang mabuti ang kanilang first teleserye.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.