Kris magtatayo na lang ng sariling tv network, kasosyo ang mga Kapamilya | Bandera

Kris magtatayo na lang ng sariling tv network, kasosyo ang mga Kapamilya

Cristy Fermin - October 18, 2016 - 12:10 AM

kris aquino

KAPAG wala pa ring nangyari sa mga shows na gagawin ni Kris Aquino sa APT Entertainment-GMA 7, ayon sa aming source ay nakahanda nang sumuko ang aktres-TV host, nakaplano na raw ang mga susunod niyang gagawing hakbang para sa kanyang personal na buhay at career.

Hindi na nga naman biro ang tagal ng ipinaghihintay ni Kris, wala na tuloy naniniwala sa kanyang mga press release, dahil hanggang ngayon ay wala pa ring linaw ang mga gagawin niyang proyekto sa kalabang network ng dati niyang home studio.

Ayon sa aming source, kapag wala pa ring nasimulan si Kris hanggang sa susunod na buwan ay aalis na lang silang mag-iina, sa ibang bansa na raw sila maninirahan nina Josh at Bimby, isang tahimik na buhay na raw ang bubuuin niya sa ibang bansa.

May plano rin palang magtayo ng sariling network si Kris, mga kamag-anak daw niya ang makakasosyo ng aktres-TV host sa kanyang negosyo, siya ang magiging prodyuser at host ng mga shows na gagawin niya.

Pero nagdadalawang-isip na maniwala sa mga ganu’ng kuwento ang aming source, kilalang-kilala kasi nito sa pagpapabagu-bago ang takbo ng utak ni Kris, kaya puwede pa raw biglang magbago ang mga plano ng TV host.

Sino kaya ang “makapangyarihang” personalidad na humaharang sa pag-entra ni Kris sa APT Entertainment at sa GMA 7?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending