Bagong hamon kay James Yap | Bandera

Bagong hamon kay James Yap

Barry Pascua - October 15, 2016 - 11:00 PM

UMAGANG-UMAGA ay ang dami ko nang natanggap na text messages buhat sa mga kaibigan at madami ding mga messages sa Facebook galing sa mga fans ni James Yap.

Lahat sila ay nagtatanong kung bakit ipinamigay ng Star si Yap na siyang “mukha ng team.”

“Sir, diehard Yapster ako at na-shock talaga ako na ipinamigay ng Star si James sa Rain or Shine kapalit ni Paul Lee. Bakit?” tanong ng isang fan.

“Hindi ba marami nang guwardiya ang Star at guwardiya si Lee. Parang hindi tama ang palitan. O baka may iba pang guwardiya na ipamimigay ang Star para ma-accomodate si Lee?” tanong ng isa.

“Sino na ngayon ang hahatak ng fans sa Star? Kaya ba ni Lee na gawin iyon?” himutok ng isa.

“Hindi ko alam kung lilipat na ako sa Rain or Shine o mananatiling fan ng Star,” dagdag ng isa.

Baka mapuno ang column na ito kung lahat ng komentaryo ng mga kaibigan ko at fans ay ilalagay ko.

Pero talagang nabulabog ang lahat sa trade na naganap.

Kasi nga, ang akala ng lahat ay sa Star o Purefoods matatapos ang career ni Yap tulad ng nangyari kay Alvin Patrimonio na siyang dating “face” ng team.

Para kasing kung may isang manlalarong inaasahang mananatili sa Star at hindi kailanman ipamimigay, iyon ay si Yap na siyang sinusundan ng mga fans.

Pero ipinamigay nga si Yap!

Bakit?

Well, siguro nga ay bumaba na ang laro ni Yap at nasa dapithapon na siya ng  kanyang career.

Nakadalawang Most Valuable Player awards na siya at malamang na hindi na iyon masundan.

Pero ganito rin naman ang sitwasyon ni Patrimonio noon, e. Kahit na bumaba ang laro ni Patrimonio ay hindi siya ipinamigay, Itinuloy ni coach Paul Ryan Gregorio ang paggamit kay Patrimonio bilang starter ng Purefoods hanggang sa magretiro ito. At sa pagreretiro ni Patrimonio ay nanatili itong bahagi ng team bilang manager.

Siyempre, iba si Patrimonio, iba si Yap.

Siguro ay hindi pa handang magretiro si Yap lalo’t naging tatay siyang muli. Kumbaga ay nagsisimula ulit ng pamilya si James at ang kanyang asawa’t anak.

So, gusto pa ni Yap na maglaro.

At tamang-tama naman na tinanggap siya ng Rain or Shine na siyang dating koponan niya sa Philippine Basketball League. Magugunitang dito siya naglaro bago umakyat sa PBA.
So, tiyak na magagamit si Yap dito.

Maganda para sa Elasto Painters ang trade dahil sa malamang na lumipat sa kanila ang mga fans ni Yap.

At dahil sa masakit para kay Yap ang nangyari, tiyak na tatanggapin niya ito bilang isang challenge. Siguradong tataas ang kanyang performance at gagamitin siya nang husto ng bagong coach ng Rain or Shine na si Caloy Garcia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi ako magtataka kung makakabangon si Yap sa pagdausdos ng kanyang career sa huling dalawang taon niya sa Star.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending