Bagyong Karen mananalasa | Bandera

Bagyong Karen mananalasa

Leifbilly Begas - October 13, 2016 - 01:08 PM
     pagasa Inaasahan na magla-landfall ang bagyong Karen sa hilagang bahagi ng Luzon.      Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang bagyong Karen ay maaaring dumaan sa kalupaan sa weekend.      Bago magtanghali kahapon ang bagyo ay nasa layong 565 kilometro sa silangan ng Catarman, Northern Samar.      Mayroon itong hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras ang bilis at pabugsong 70 kilometro bawat oras.      Umuusad ito sa bilis na 11 kilometro sa kanluran-hilagang kanluran.      Ngayong umaga ang bagyo ay nasa layong 365 kilometro sa silangan ng Virac, Catanduanes. Sa Sabado ito ay nasa layong 150 kilometro sa hilagang silangan ng Virac.      Sa Linggo ito ay 135 kilometro sa silangan-timog silangan ng Baler, Aurora.      Wala pang itinaas na tropical cyclone warning signal ang PAGASA kahapon sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending