Robin kay Mark: Ang kailangan niya po ngayon ay ang Panginoong Diyos! | Bandera

Robin kay Mark: Ang kailangan niya po ngayon ay ang Panginoong Diyos!

Reggee Bonoan - October 13, 2016 - 12:05 AM

robin padilla at mark anthony fernandez

ISA pala si Robin Padilla sa mga unang nagpunta sa Angeles City para bigyan ng moral support si Mark Anthony Fernandez, ilang oras matapos itong maaresto dahil sa marijuana.

Sa pagdalo ni Robin sa opening ng bagong barber shop ni Jing Monis sa B Hotel, Scout Rallos, Timog, Quezon City nitong Lunes sinabi nitong nalulungkot siya sa sinapit ni Mark Anthony na kasalukuyang nakapiit ngayon sa Angeles City Jail matapos sampahan ng pormal na kaso sa Pampanga court.

Ayon kay Binoe, hindi na lang daw siya bumaba ng sasakyan nang magpunta sa presinto kung saan dinala si Mark, “siguro masasabi ko na isa ako kaagad na nandoon nu’ng nangyari sa kanya, hindi lang ako makapronta dahil nakaabang kayo (media) ro’n.

“Meron pang naka-live sa labas ng presinto, hindi ako nakababa, pero bumaba naman si Betchay (Vidanes, manager ng aktor), nag-usap naman kami (ni Mark) sa telepono. Hinihintay ko na lang na makarating siya sa kanyang final abode, doon na lang ako pupunta.

“Kung sa City Jail ba siya dadalhin o kung saan man, doon kami makakapag-usap, sa ngayon kasi ang kailangan ni Mark, Panginoong Diyos, hindi kami, hindi ako, lahat kami, lahat tayo support lang.

“Pero ang kailangan niya sa panahong ngayon, relationship niya sa Panginoong Diyos, ‘yun ang number one niyang kailangan ngayon,” pahayag ni Binoe.

Samantala, natanong din ang aktor tungkol sa balitang gagawa sila ng pelikula ni Sharon Cuneta ngayong nagbabalik na ang Megastar sa limelight.

Natawa muna si Robin sabay sabing, “Wow, isang malaking karangalan dahil ang sexy ni Ma’m (tawag niya kay Sharon), nakita ko ‘yung kanyang mga bagong litrato, wow!

“Magmula nu’ng huli kaming magkita sa PGT (Pilipinas Got Talent), pinakita sa akin ni Mariel (Rodriguez), sabi niya, ‘Babe ang payat-payat ni Ma’m!’

“Yun pala, ako ang pinaghahandaan ni Ma’m? My goodness, okay I’m ready. Ready ako diyan, isang malaking karangalan na ako ang napili. Naku! Na-excite ako bigla, namawis ako (sabay tingin sa mga kamay), ano kayang title nito, ‘Maging Anuman Ako?’” tumatawang pahayag pa ni Binoe.

Tinanong naman namin kung ano ang reaksyon ng aktor sa sinabi ni Agot Isidro na “psychopath” si Presidente Rodrigo Duterte.

“Lahat naman ay may karapatan sa kanya-kanya nating opinyon dahil nasa malayang bansa tayo at sabi nga mismo ni Mayor, ‘that is our right and he will protect our right, siya mismo ang nagsabi no’n at karapatan natin (yun).

“Ang ano lang d’yan, ang dami-daming problema ng bansa na dapat nating hinaharap, huwag na tayong mag-away-away. Opinyon niya (Agot) ‘yun. Nangyari kasi, lumalaki na, nalulungkot ako, kasi ang akala ko, gusto natin ng pagbabago, eh.

“Kung gusto natin ng pagbabago, una, baguhin natin ang sarili natin, bago natin hingin ‘yung pagbabago, sana,” paliwanag ni Robin.

“Naiintindihan ko si Agot, ganu’n talaga mas pinili ninyong maging rebolusyonaryo kayo at ipaglaban ang opinyon, tatanggapin mo lahat ‘yan (bira), kung ayaw mo ng gulo magpakumbaba ka na lang. Ngayon kung gusto mo ng gulo, hindi namin kayo pipigilan,” katwiran ni Robin.

q q q

Samantala, kinumusta naman namin ang asawa niyang si Mariel na kasalukuyang nasa Amerika at hinihintay na lang nito ang paglabas ng panganay nila.

“Walang problema sa komunikasyon, umaga palang magkausap na kami sa pamamagitan ng Facetime, pag matutulog kami, magkatabi rin kami dahil nandoon lang ‘yung (monitor). Wala kaming problema, ‘yun lang physical na nayayakap mo, ako ‘yung nakakapag-injection sa kanya, kasi ngayon siya na ang nag-i-injection sa sarili niya.

“Apat ‘yung injection niya, dalawang insulin at 2 nefarin. Dapat limang injection ‘yun, ako ‘yung isa, e, hindi naman puwede kasi nandito ako,” birong sabi ni Binoe.

Sa Nobyembre na isisilang ni Mariel si Maria Isabella at hoping pa rin si Robin na mabibigyan siya ng US visa para magkasama nilang iwelkam ang kanilang baby.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa (mabigyan ng US visa) kasi hindi naman ako problema ng US at sa aking palagay ay mabuting tao naman ako at hindi naman ako gagawa ng gulo ro’n. Kailangan ko lang suportahan ‘yung asawa ko roon,” pahayag ng aktor.

Sabi pa ni Binoe, “Nag-file kami ng Parole visa, hindi nga visa ang tawag doon, humanitarian parole yata, kasi ‘yun daw ang pinakamabilis. Naniniwala ako na walang dahilan para i-deny ako ng Amerika dahil hindi naman ako kalaban,” katwiran ng aktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending