Palasyo minaliit ang plano ni de Lima na kasuhan si Duterte
MINALIIT lamang ng Palasyo ang banta ni Sen. Leila de Lima na kakasuhan si Pangulong Rodrigo Duterte sa Korte Suprema.
Sa isang briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na nais lamang ni de Lima na malihis ang isyu laban sa kanya.
“This has been referred… I referred to Secretary Aguirre regarding this matter. And he said that the issue will not prosper,” sabi ni Abella.
Nauna nang sinabi ni de Lima na magsasampa siya ng kaso laban kay Duterte sa Korte Suprema bilang test case sa kanyang presidential immunity.
“Well, it does…It seems like it’s a some sort of a move to elude the focus on her. Okay, thank you. It looks like,” ayon pa kay Abella.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.