BARRETTO scandal tumitindi pa: dugo sa dugo, laman sa laman na ang laban!
Sobrang nakakahiya na raw ang batuhan ng mga baho sa publiko
Ilang miyembro pa kaya ng pamilya Barretto ang makikisahog ngayon sa kaguluhan sa pagitan nina Gretchen at Claudine?
Ang unang nagbigay ng kanyang sariling opinyon ay si Mommy Inday Barretto.
Agaran ding nagpadala ng mensahe ng pagkampi kay Gretchen ang kanilang kapatid na si Joaquin, si Jay-Jay, na kinontra ang mga bira ni Mommy Inday kay Gretchen.Parang boksing ang labanan, dahil pagkatapos manuntok nina Mommy Inday at Jay-Jay, agad namang nagpadala ng reaksiyon si Gia, ang kanilang kapatid na matagal nang naninirahan sa Amerika, kamping-Claudine naman ito.
Isang malaking karnabal na pinagpipistahan ngayon ng buong bayan ang mga Barretto.
Pinag-uusapan kahit saan ang kanilang mga birahan, lalo na ang lantarang pagtataas ng kanilang ina sa pagkatao ni Claudine, habang ibinabagsak naman ang imahe ni Gretchen.
Nakakalungkot ang ganitong kontrobersiya.
Dugo sa dugo, laman sa laman ang labanan, para bang hindi sila magkakapamilya kung mag-away-away sila ngayon.
Ayon sa isang nakakuwentuhan naming propesor ay sobrang nakakahiya na ang ganitong senaryo, ang nagkakagatan ay magkakadugo, kailan daw kaya hihinto ang pagpapalitan nila nang maaanghang na salita na tumatatak sa utak ng ating mga kababayan?
“Ang sabi nila kapag may sexy stars ang nag-aaway-away, e, mga palengkera raw kasi.
Paano naman kapag ganitong mga English speaking ang nagkakalat ng mga baho nila, anong term naman ang puwedeng itawag sa kanila?” pang-uusisa naman sa amin ng isang dating kamag-aral sa kolehiyo.
Oo nga naman, hindi maganda sa panlasa ang iniiwanan ng pag-aaway ng pamilya Barretto sa paghusga ng ating mga kababayan, mga sosyal na palengkera nga ang itinatawag sa kanila ngayon ng mas nakararami.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.