‘Parang 3rd world Kardashians ang BARRETTO SISTERS!’ | Bandera

‘Parang 3rd world Kardashians ang BARRETTO SISTERS!’

- April 27, 2013 - 05:24 PM

barretto sistersTILA may balak pang magdemanda itong si Gretchen Barretto.

May nabasa kaming chika na she’s consulted her lawyer matapos sigurong mabasa ang statement ng kanyang inang si Inday Barretto.

Sumabog ang galit ni Inday at kinampihan ang kanyang bunsong anak na si Claudine.

Tinawag niyang evil si Gretchen at itinakwil pa.

Pinag-aaralan na yata ng lawyer ni Gretchen kung ano ang kasong puwedeng isampa laban sa kanyang ina.Naku, tiyak na malaking iskandalo ito kapag nagkataon.Tiyak na pag-uusapan ito sa buong showbiz.

Natawa nga kami sa isang comment sa Twitter, “Parang 3rd world Kardashians itong mga Barretto. nacacaloca!” sabi ng isang Krizzy KalerQUI.

Mauwi nga kaya sa demandahan ang lahat? Hindi ba nila kayang pag-usapan na lang ang issue between themselves para na rin sa ikatatahimik ng lahat ng involved?

Kung magsasalita kasi ang bawa’t isa ay tiyak na manganganak nang manganganak ang issue at baka magkalabasan pa ng baho ang bawa’t kampo.

So, with the Barretto scandal ay tiyak na buhay na buhay na naman ang showbiz.

May pagpipiyestahan na naming balita.

Kung sabagay, matagal-tagal na ring walang kontrobersiya ngayon sa showbiz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending