Osang itinangging kabit siya ni Vincent Sy: 'Nagdadala lang ako ng babae' | Bandera

Osang itinangging kabit siya ni Vincent Sy: ‘Nagdadala lang ako ng babae’

Ervin Santiago |October 06,2016
facebook
share this

Osang itinangging kabit siya ni Vincent Sy: ‘Nagdadala lang ako ng babae’

Ervin Santiago - October 06, 2016 - 07:59 PM

ROSANNA ROCES

ROSANNA ROCES

MARIING itinanggi ng dating sexy actress na si Rosanna Roces na naging kabit siya ng isang Bilibid inmate na si Vicente Sy.

Sa kanyang Facebook account, nag-post ng mahabang mensahe ang aktres bilang pagkontra sa naging testimonya ng government asset na si Nonito Arile sa hearing ng Kongreso kanina kaugnay ng kontrobersyal na drug trade sa loob ng Bilibid.

Narito ang kabuuan ng FB post ni Osang:

“Paanong magiging mistress eh babae ang dinadala ko ke Enteng. Kada hatid ko ng babae ay 25k ang binibigay sa akin. Kahit na reject pa ang babaeng dalhin ko. Kung naging mistress ako di sana nabayaran ko ang 2m na talo ko sa kaso sa Gma.

“Di na sana ako nagpapakahirap magtrabaho ngayon. Baka producer na ako. Hindi droga ang business ko sa bilibid. Monterey….taga deliver ng karne. Isang tao lang ang kausap ko dun. yung sinasabi nilang si vicente sy. Madaling magtahi ng kwento pero mahirap ang magpatunay.

“Kilala ko din sina noel martinez dating mayor ng g.i ..dahil nag concert na din kmi sa loob. Kasama sina aprilboy at selina sevilla. Dun ko na meet si jaybee sebastian dahil na interview ako o nahingian ng mensahe sa kanyang Btv o bilibid tv.

“Other than that wala na akong naging dahilan para bumalik. Lalo na nung ang huling nadala ko palang babae ay may sakit.”

Ang tinutukoy namang Jaybee Sebastian ni Osang ay kapwa inmate ni Sy na nasangkot sa gulo sa loob ng kulungan noong Sept. 29. Isa itong gang leader at diumano’y drug lord diumano sa loob ng Bilibid.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending