2 Kilalang personalidad magkadugo nga pero malayo ang loob sa isa’t isa
HANGGANG ngayon pala ay hindi pa rin masyadong nagkakaroon ng pagba-bonding ang dalawang kilalang babaeng personalidad.
Magkadugo sila pero parang malayo ang loob nila sa isa’t isa.
Kahit pala nu’n ay hindi naman sila madalas na nagkakakasama, nakakaramdam kasi ng hindi maganda ang mas nakababatang personalidad sa pagmamahal ng kanyang kadugo, hindi raw ito parehas sa pagbibigay ng atensiyon at pagmamahal.
Kuwento ng aming source, “Hindi lang kasi nagsasalita ang girl dahil ayaw niyang masira ang name ng kadugo niya, pero napakarami niyang puwedeng ikuwento.
“Napakarami niyang puwedeng sabihin dahil siya mismo ang nakakaramdam nu’n, siya ang buhay na witness sa mga nangyayari. Mabait pa rin ang batang ‘yun, in fairness, dahil hindi siya benggador,” simulang kuwento ng aming impormante.
Hindi malapit ang mas nakababatang personalidad sa kanyang kadugo, mas malapit pa nga siya sa isa niyang kapamilya, ito ang palagi niyang pinagsusumbungan ng kanyang emosyon.
“Sa totoo lang, sa taong ‘yun mas malapit si ______ (pangalan ng mas nakababatang personalidad), umiiyak siya sa taong ‘yun, naglalabas siya ng mga sama ng loob tungkol sa direktang kadugo niya.
“Hindi kasi nababalanse ng older personality ang attention at pagmamahal sa mga taong mahal niya, meron siyang tinitingnan lang at tinititigan, kaya ganu’n na lang ang nararamdaman ng young personality.
“Ayaw niyang maging salbahe sa older personality, pero ayaw rin naman niyang maging plastic.
“Kapag may nagtatanong sa kanya kung madalas ba silang nagkakasama para makapag-bonding, ang isinasagot lang niya, e, pareho kasi silang busy.
“Bradly Guevarra, ikaw ang unang-unang dapat makaalam kung sinu-sino ang dalawang babaeng personalidad na ito, ibulong mo na lang kay Tita Nene Ulanday ang mga pangalan nila,” madiing pagtatapos ng aming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.