Rhian, Rafael, Kiko sumugod sa Peñafrancia Festival | Bandera

Rhian, Rafael, Kiko sumugod sa Peñafrancia Festival

Ervin Santiago - October 06, 2016 - 12:30 AM

rhian kiko at rafael

ISANG mainit na pagdiriwang ng Peñafrancia Festival ang lalo pang pinasaya ng GMA Network matapos tumungo ang mga bida ng Afternoon Prime soap na Sinungaling Mong Puso sa Naga City noong nakaraang Sept. 19.

Sa ginanap na Kapuso Mall Show sa SM City Naga Open Parking, isang triple kilig treat ang handog nina Rhian Ramos, Rafael Rosell at Kiko Estrada sa kanilang mga Bicolano fans.

Extra special ang treatment na binigay ni Kiko sa kanyang Nagueño fans nang kantahin niya ang hit song ni Drake na “Hold On, We’re Going Home”. Samantala, nahulog sa karisma ni Rafael ang mga manonood nang awitan niya ang mga ito ng “I’m Yours” ni Jason Mraz.

Hindi naman nagpahuli si Rhian at inalayan niya ang fans ng sikat na kanta ng The Chainsmokers na “Roses”.

Ang Kapuso comedienne na si Maey Bautista ang naging host ng nasabing Kapuso Mall Show. Hindi nagsayang ng oras si Maey sa pagbibigay ng mga sorpresa at katuwaan sa mga Bicolanong naroon.

Taos-puso namang nagpasalamat ang mga Kapuso stars sa mga dumalo sa kanilang mall show at nakiisa sa kasiyahan.

Ang Peñafrancia Festival ay isa sa pinakamalaking pagdiriwang ng Marian devotion. Taon-taong ginugunita ito ng mga Bicolano bilang pasasalamamat kay Ina, ang Our Lady of Peñafrancia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending