Celebrity drug list dapat lang ibandera sa 1 kundisyon…
MAGANDA ang pananaw ng kaibigan naming propesor ng isang malaking unibersidad tungkol sa kampanya ng mga otoridad kontra sa ipinagbabawal na gamot.
Ang kanyang punto, “Dapat lang namang walang pairaling special treatment ang mga authorities, kung ano ang ginawa nilang pagbubunyag sa mga pangalan ng mga kilalang politicians nu’n na sinasabi nilang tulak o gumagamit ng droga, e, ‘yun din ang dapat nilang pairalin sa iba-ibang sektor.
“Pero kailangan silang mag-ingat, huwag muna sana nilang pinapangalanan ang mga nasa listahan nila, kasi, the moment na lumabas na ‘yun in public, wasak na ang image ng taong pinangalanan nila!
“Paano kung hindi naman pala totoo ‘yun, the harm has been done, bawiin man nila ‘yun, nasira na ang pangalan nu’ng mga tao,” punto ng kaibigan naming propesor.
Maraming artistang nauna nang tumugon sa panawagan ng PNP at PDEA, kusa na silang sumailalim sa drug test, negatibo ang resulta ng kanilang pinagdaanang proseso.
Tamang ilabas ang listahan, pero bago sana nila gawin ‘yun ay isang matinding imbestigasyon muna ang kanilang gawin, hindi tamang basta na lang ilalabas ang mga pangalan ng mga artista kung wala namang sapat na ebidensiya.
Nauna nang nagpa-drug test si Luis Manzano, pinakahuli ang aktor na si Joel Torre, marami pang ibang personalidad na sumailalim na rin sa drug test.
Huwag magpadalus-dalos, hindi binuo ng mga artista ang kanilang pangalan sa magdamagan lang, maraming taon silang nangarap at nagsikap para kahit paano’y maabot ang kanilang mga pangarap.
Maraming-maraming taon ng pagsisikap na sa isang saglit lang ay mawawalan ng kabuluhan kapag maling paghusga ang ibinato laban sa kanila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.