Kasal sa LGBT hirit ni Speaker | Bandera

Kasal sa LGBT hirit ni Speaker

Leifbilly Begas - October 03, 2016 - 01:38 PM
  alvarez Mismong si House Speaker Pantaleon Alvarez ang maghahain ng panukala upang maging legal ang pagsasama ng mga may parehong kasarian sa bansa.     Ayon kay Alvarez pinasimulan na niya ang pagbuo ng isang panukala upang magkaroon ng same sex marriage o civil union ang mga may parehong kasarian sa bansa sa ilalim ng batas.     Sa press briefing kahapon, natanong si Alvarez kung pabor ito sa same sex marriage.     “Oo naman, alam mo tingnan mo ang Constitution may provision doon guaranteeing happiness sa Pilipino, bakit naman ipagkait natin iyun, sa akin naman tayo ay nakikisa doon sa ating mga kapatid na LGBT (Lesbian, Gays, Bisexual, Transgender) kung happy sila doon bakit hindi natin sila suportahan,” ani Alvarez.      Nilinaw naman ni Alvarez na hindi niya ipipilit sa kanyang mga kapwa kongresista ang pagpasa ng panukala subalit nais niya na masimulan ang pagtalakay dito.      “Tingnan ko kung sino ang gusting mag-co-sponsor, gusto ko lang ipakita na iginagalang natin at nakikiisa rin ako doon sa mga kapatid nating LGBT at para din dignity nila masuportahan,” saad ng lider ng Kamara de Representantes. “I have said, anybody can question it, pagde-debatehan iyan, at the end of the day pagbobotohan naman iyan kung papayagan o hindi, sa akin lang gusto kong ipadala ang mensahe na iginagalang natin ang karapatan nila.”       Sinabi ni Alvarez na normal lamang na mayroong tumutol sa kanyang panukala.      “Kaya nga tayo demokrasya, mayroon talagang oposisyon, wala namang walang oposisyon, the beauty of democracy is we can argue and disagree but at the end of the day it is the majority that prevails.”       Dagdag pa ni Alvarez hindi niya maaaring paki-alaman ang simbahan kung magkakasal sila ng may parehong kasarian at ang saklaw ng kanyang panukala ay ang kasal sa ilalim ng batas.       “Kung ayaw nila walang problema, hindi naman natin sila (pipilitin),” ani Alvarez. “Kasi dumadami na ang population ng LGBT, dumadami na, kailangan rin nating protektahan sila.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending