Heart: Kakayanin kong mabuntis at manganak kahit natatakot ako! | Bandera

Heart: Kakayanin kong mabuntis at manganak kahit natatakot ako!

Ervin Santiago |October 02,2016
facebook
share this

Heart: Kakayanin kong mabuntis at manganak kahit natatakot ako!

Ervin Santiago - October 02, 2016 - 12:20 AM

HEART EVANGELISTA AT CHIZ ESCUDERO

HEART EVANGELISTA AT CHIZ ESCUDERO

KAKAYANIN ni Heart Evangelista ang magbuntis at manganak kahit na abot-langit ang takot niya sa pagkakaroon ng anak.

Kakaririn na ng Kapuso actress at ng kanyang asawang si Sen. Chiz Escudero ang paggawa ng baby bago matapos ang taon para pagsapit ng January, 2017 ay mabuntis na siya.

Sa presscon ng muling pagpirma ni Heart ng contract sa Viva Entertainment na siyang may hawak sa movie career niya at sa mga en dorsments, sinabi ng aktres na lalakasan na lang niya ang kanyang loob para matupad na ang pangarap niyang maging mommy.

Chika ng Kapuso Sweetheart, “I’m scared. Takot ako sa needles, takot ako sa lahat. Noong tinanggalan nga ako ng appendix, nag-commotion pa ako sa Makati Medical Center. Nahiya ako. Sigaw talaga ko. Sigaw ako nang sigaw.

“Pero siyempre, kapag nabuntis na, maybe kaya, may nine months to prepare you, so keri lang siguro. Lakasan na lang ng loob ‘yan,” pahayag pa ni Heart.

Naniniwala naman si Heart nasa edad na 31 ay hindi pa siya mahihirapang mabuntis at manganak, sa katunayan, 36 years old na raw ang mommy niya nang ipanganak siya, “According naman to my doctor, I’m like my mom. Anytime I want, pwedeng mabuntis.”

Nagpatingin na rin daw siya sa OB-gyne at maayos na maayos ang kanyang kundisyon, “Everything, I’m good. My egg count, not a problem.”

Samantala, walang pagdadalawang-isip na pumirma uli si Heart ng kontrata sa talent management ni Boss Vic del Rosario, ang Viva Artist Agency, para sa kanyang movie career at product endorsements.

“I’ve been very happy with Viva. Our professional relationship has been very productive,” sey ng misis ni Chiz. Actually, this year marks her 5th year with VAA.

At kahit nga hindi siya masyadong visible sa big screen, she continues to be highly visible on TV. Sandamakmak na rin kasi ang commercials ni Heart, kabilang na riyan ang Palmolive Soap, Creamsilk, Ponds, Purefoods Corned Beef at marami pang iba.

Bonggang-bongga rin ngayon ang pagiging visual artist ng Kapuso star, pagkatapos nga ng magkasunod niyang art exhibit sa Ayala Museum, ay sinundan pa ito ng matagumpay na exhibit para sa mga Hermes bags painted with her artworks. This early, she is already preparing for another major exhibit na posibleng maganap bago matapos ang taon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kamakailan ay pumirma muli si Heart ng exclusive contract sa GMA 7 kaya abangan ng kanyang loyal fans ang mga susunod niyang TV projects sa Kapuso network. Ayon sa mga bossing ng GMA, posibleng isang sitcon o comedy show muli ang ibigay kay Heart dahil sa tagumpay ng huling serye nila ni Dennis Trillo na Juan Happy Love Story.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending