Rocco Nacino takot ma-in love kay Sanya Lopez; hindi pa rin maka-move on kay Lovi?
NAGKAKADELOPAN na yata sina Rocco Nacino at Sanya Lopez.
Sa mga nakaraang posts ng Encantadia stars, may exchange of tweets sila kung saan pinuna ni Sanya ang topless picture ni Rocco sa katatapos na “Oh, Boy!” concert.
Hindi naman ipinagkakaila ni Sanya na guwapung-guwapo at naseseksihan siya kay Rocco. Sa tugon ng Kapuso actor sa pagkagiliw sa kanya ni Danaya (character ng aktres sa Encantadia), takot siyang mapalapit sa Kapuso actress. That time kasi ay nursing a broken heart pa si Rocco sa break up nila ni Lovi Poe.
Wala namang girlfriend ngayon si Rocco. Isang red Mustang car nga ang sinabi niyang girlfriend niya ngayon. Wala ring nababalitang boyfriend si Sanya.
So walang sagabal kung magkaroon man ng relasyon ang dalawang Encantadia stars, huh!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.