Mega natawa lang sa bilibid scandal: Oh my God! nagmamagandang loob na nga ako!
LUMANTAD ang payat nang Megastar na si Sharon Cuneta kahapon sa media conference para sa concert niya sa Solaire Resorts & Casino na gaganapn sa Oct. 15 and 22.
Masiglang-masigla ang dating ni Shawie dahil ramdam niya ang suporta ng dating network. After ng TV show eh, tahimik muna siya sa detalye ng bagong movie at gagawin niyang album.
Special guest niya sa concert ang panganay nila ni Sen. Kiko Pangilinan na si Frankie.
“Si Kakie talaga ang sumusunod sa akin and she’s into musical instruments,” chika ni Shawie.
Kaya naman proud siya nang iparinig ni Frankie ang version niya ng “Mr. DJ”. Maluluha-luha siya nang mapanood ang anak na kinakanta ang kanyang hit song sa Eat Bulaga.
Anyway naging bukas si Sharon sa mga issue na kinasasangkutan niya ngayon, lalo na ang pagkakasabit ng pangalan niya sa mga celebrities na nag-perform daw sa Bilibid several years ago.
“I’m apolitical person kaya I don’t know na pinag-usapan na pala ako. Kumanta daw ako. Nag-isip ako. Oh my God! It was for my show in TV. If I’m not mistaken it was for the holiday season.
“Kasi I want the show to reinforce positive values and give to those wala na. Yun ang ini-interview ko. I never met any…not even close. Kahit alalay nila. Di Ko alam saan sila nu’n. Basta nandoon lang ako sa isang corner!
“It was so ridiculous! Makagawa lang talaga ng ano…nagmagandang loob na nga ako. It was so funny!” paliwanag ni Sharon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.