outbrain

Mystica naubos ang yaman itinakwil pa ng sariling pamilya

By Ronnie Carrasco III September 26,2016
share this

Mystica naubos ang yaman itinakwil pa ng sariling pamilya

By Ronnie Carrasco III September 26,2016
share this

mystica

FOR whatever it’s worth ay papatulan namin ang panaghoy ni Mystica sa kanyang almost four and a half minute-video.

Ang eksena, may kausap na babae si Mystica over her cellphone but whose identity was only revealed at 2:14 based on the time code of the material. It was a call from Cebu from a certain Mamitch Villarta.

Natisod namin ang pangalan ding ‘yon sa thread of comments in a separate video defending Mystica from a basher.

Back to the video, isang humahagulgol na Mystica who could pass for a sole Best Actress nominee in a Kunan-Mo-Ako-At-I-post-Mo-Sa-Social Media single performance category.

Ipinagsisintir kasi ng dating Split Queen ang pakikipaglayo na rin ng kanyang mga kaanak sa kanya ngayong nagdarahop na raw siya. Kesyo kinamumuhian na raw siya ng kanyang anak na na-brainwash ng kuya niya na nagtakwil na rin sa kanya. Maging ang ate ni Mystica ay iniligwak na rin siya.

Ayon sa kuwentong mula na rin sa bibig ni Mystica, umuutang raw ang kanyang anak pero hindi niya napahiram dahil walang-wala na nga siya. Dahil tablado ang anak, pinaratangan tuloy siyang maramot.

Bakit daw ganoon na lang ang pagtingin sa kanya ng pamilya niya, gayong noong marami siyang pera ay bukas-palad siya sa mga ito?

Iniyakan din niya ang pagpo-post ng mga ito sa kanilang FB wall ng kalagayan niya. Hindi raw niya matanggap na sa halip na unawain siya ng mga ito’y nakukuha pa siyang pagtawanan. Tuloy, nasabi ni Mystica, “Napakawalanghiya nila!”

To the rescue rin si Mystica sa kanyang asawang si Kid Lopez. Oo nga’t halos mamalimos daw ito sa mga kaibigan para meron silang makain pero kumakayod daw ito kahit paano.

Purdoy na’y may sakit pa raw siya, dagdag pa ni Mystica na mabuti’y gumaling na raw ang impeksiyon sa kanyang lalamunan. Pero mas nababahala raw siya na baka ang iniinda niyang blood infection ay mauwi sa leukemia.

Totoong nasa kaawa-awang sitwasyon ang dating sikat na si Mystica. Also known as the Rock Diva, at one point (o higit pa) in her life ay nadiskaril ang kanyang career having been embroiled in tacky, tawdry and tasteless controversies na siya rin naman ang may kagagawan.

With her fame came fortune. Nagkapera siya, nakapagpundar ng mga ari-arian. Pinagkatiwalaan din siya para maging endorser ng mga produkto at kumpanya (remember her art nails na kakabugin si Maritess Gutierrez sa Halimaw sa Banga?).

In fairness din to Mystica, wala kaming natatandaang nagumon siya sa ipinagbabawal na gamot as she focused her energies on further enhan-cing her craft, bukod pa rito ang pagiging malapit sa Diyos.
So, anyare?! Bakit nagkaganito ang hitad?

Ayaw naming i-trivialize ang masaklap na pinagdaraanan ngayon ni Mystica, much less gloat in her misery.

Maaaring wala kaming alam sa puno’t dulo kung bakit itinakwil na siya ng kanyang mga kaanak. Okey lang kung mga kapatid lang niya ang tumalikod sa kanya, pero para iligwak siya ng kanyang anak raises a valid question: ano’ng pagkatao meron si Mystica as far as her son is concerned?
Nakaka-mystify ang sagot, ha?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending