Aiko nagbigay babala sa mga nagpaparetoke | Bandera

Aiko nagbigay babala sa mga nagpaparetoke

Julie Bonifacio - September 25, 2016 - 12:30 AM

AIKO MELENDEZ

AIKO MELENDEZ

SPEAKING of “Barcelona,” kasama rin sa cast bilang tiyahin ni Daniel Padilla at nanay ng budding actor na si Joshua Garcia, si Aiko Melendez.

Feeling grateful si Aiko sa mahusay at binabayarang dermatologist ng mga celebrity na si Dr. Claudia Samonte noong mahalungkat niya ang old photo niya kung saan “magang-maga” ang kanyang mukha.

Naging malaking isyu noon kay Aiko ang pamamaga ng kanyang mukha dulot ng isang maling dermatological procedure na ginawa sa kanya. Hanggang sa may nagsabi sa kanya na kumunsolta kay Dr. Samonte para sa agarang paggamot sa kanyang mukha.

Ayon kay Aiko, matiyaga raw ginamot ni Dr. Samonte ang kanyang mukha and saved her from her nightmare.

“I’m sharing this picture for the people to be careful with the procedure that they undergo sometimes we always go beyond what is needed. But because of our vanity what’s best can be your worst…thank you Lord you gave me a chance…I will never ever experiment with my face again,” sabi ni Aiko.

Marami rin ang natuwa at bumalik ang ganda ng mukha ni Aiko. Alam naman natin na isa si Aiko sa mga may pinakamagandang mukha sa showbiz, ‘di ba?

Anyway, muling sinubok ang kakayahan ni Aiko bilang aktres sa episode ng Maalaala Mo Kaya na ipinalabas noong Sabado. Gumanap si Aiko bilang OFW sa Singapore para sa pag-aaral ng kanyang mga anak.

Kasama ni Aiko sa kanyang MMK episode sina Miles Ocampo, CX Navarro, Dominic Ochoa, Nikki Bagaporo, Pinky Amador, Angelo Ilagan, Tom Olivar, Raqual Montessa, Abby Bautista, Raine Salamante at Gerald Madrid sa direksyon ni Frasco Mortiz.

Speaking of Dr. Samonte, matulungin ito sa mga nangangailangan dahil isa siya sa mga doktor na nag-volunteer sa annual medical mission na “I Love My Family” ng TV-radio personality na si Papa Ahwel Paz sa Delos Santos Medical Center kamakailan.

Bukod kay Papa Ahwel at Dr. Samonte, nais din naming pasalamatan ang pamunuan ng Delos Santos Medical Center, lalo na sa president at CEO na si Raul Pagdanganan, Dr. Nilo delos Santos, Dr. Lysander Ragodon, Ma. Gwendolyn Martin at Dr. Estrelita Ruiz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending