Pagkawala ng dating ka-live in ni Hero may konek sa pagkamatay ng kapatid ni Maritoni? | Bandera

Pagkawala ng dating ka-live in ni Hero may konek sa pagkamatay ng kapatid ni Maritoni?

Cristy Fermin - September 24, 2016 - 12:10 AM

hero-bautista-at-maritoni-fernandez

DALAWANG linggo na ngayong nawawala ang dating ka-live-in ni Konsehal Hero Bautista na si Rio.

Ayon sa kanyang ina ay bumaba lang ang babae para bumili ng mineral water at para kausapin saglit ang isang major pero hindi na uli ito nagbalik sa tinitirhan nitong condo unit.

Nasa rehabilitation center ngayon ang nakababatang kapatid ni Mayor Herbert Bautista, nakarating na sa kanya ang balita, tumutulong na ang mayor ng Kyusi para maagang maresolbahan ang pagkawala ng dating karelasyon ng kanyang kapatid.

May mga nag-uugnay kay Rio sa pinaslang na kapatid ni Maritoni Fernandez na si Aurora, magkalapit daw kasi ang kanilang tirahan, may nakapagsabi rin sa mga otoridad na magkaibigan sila.

Ayon sa ina ni Rio ay hindi raw kilala ng kanyang anak si Aurora, hindi rin daw nito nakitang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang da-ting ka-live-in ni Konsehal Hero, kaya napakalaking palaisipan ang pagkawala nito.

Binubulabog ng mga problema ngayon si Mayor Herbert, mga problema sa kanyang pamumuno sa Kyusi, saka mga problemang personal. Pero mula nu’n hanggang ngayon ay maganda ang imahe ng aktor-pulitiko, mahal siya ng kanyang mga nasasakupan, bukod pa sa talagang nasa kanyang puso ang pagseserbisyo-publiko.

May mga nakalulusot na pumupuna sa uri ng kanyang paglilingkod, pero hindi ‘yun ang mahalaga, ang mas nagsasalita para kay Mayor Herbert ay ang mga mamamayan ng Quezon City na nagtitiwala at nagmamahal sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending