Vice binalikan ang pinagmulan, 3 taga-Maynila binigyang-pugay | Bandera

Vice binalikan ang pinagmulan, 3 taga-Maynila binigyang-pugay

Alex Brosas - September 23, 2016 - 12:10 AM

vice ganda

NICE to see Vice Ganda going back to his roots.

Sa kanyang Instagram account ay nagpugay si Vice sa kanyang pinagmulan na kanyang binisita. Ipinakilala rin niya sa kanyang followers ang mga taong tumulong sa kanya noong walang-wala pa siya.

“Nagpunta ko sa Tambunting last Sunday yung lugar sa Sta. Cruz, Maynila kung saan ako lumaki para kumain sa bagong bukas na kainan yung Pepito’s Kitchen.

“Ang saya dahil nakita ko ulit yung mga dati kong kaibigan. Pero ang pinakamasaya nakita ko ulit yung Ninang ko, si Aling Sharon at si Mang Resting.

“Yung aling naka printed blouse yan si Ka Marie, ang Ninang ko. Lagi akong nakikikain sa kanila dati at binibigyan nya ko ng 50 pesos tuwing Pasko. At nung grumaduate ako ng high school niregaluhan ko sya ng grad pic ko.

“Yung mamang katabi ko yan naman si Mang Resting. Kilala syang barbero sa barangay namin. Sya ang gumugupit ng buhok ko pag pasukan sa iskwela, pag bday ko, pag sasali ko ng contest at pag may okasyon. ‘Gupit Binata’ ang tawag sa gupit nya sakin.

“Minsan nagpagupit ako sa kanya kasi may program sa school pero wala akong pambayad kasi di umuwi tatay ko. Pero ginupitan nya pa rin ako. Di ko na alam kung nabayaran ko pa sya. Kaya kahit nakalimutan na nyang may utang ako sa kanya di ko sya makakalimutan.

“Yung aling nakaputi naman yan si Aling Sharon. Sya ang tumatahi ng mga uniform ko sa school at lahat ng mga damit na pinang christmas party ko nung bata ako.

“Ang saya lng balikan paminsan minsan yung mahirap ngunit simple, masaya at makulay na buhay ko kasama sila dati. Bitbit ko yun san man ako magpunta. Salamat sa kanila at may magaganda kong alaala nung pagkabata.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending