Panibagong ethics complaint inihain vs de Lima | Bandera

Panibagong ethics complaint inihain vs de Lima

- September 21, 2016 - 03:52 PM

laila de limaINIHAIN ang panibagong ethics  complaint laban kay Sen. Leila de Lima, kagabi, habang dinidinig naman ang mga testimonya ng mga testigo sa Kamara kung saan idinidiin ang senador sa iligal na droga.

Sinabi ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III, chair ng Senate committee on ethics and privileges, na hindi pa niya nababasa ang nilalaman ng panibagong reklamo laban kay de Lima.

Ito na ang ikalawang reklamo na isinampa laban kay de Lima matapos naman siyang pangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa drug matrix sa New Bilibid Prisons ng siya pa ang kalihim ng Department of Justice (DOJ).

Tumanggi rin siyang isapubliko ang detalye ng reklamo hanggang hindi pa nababasa ng kanyang mga kapwa senador.

Idineliber ang reklamo sa committee noong Martes ng gabi.

“[It’s from a] different complainant. I haven’t seen it. The committee just informed me that somebody came over last night with a new complaint,” sabi ni Sotto.

Idinagdag ni Sotto na tatalakayin ng committee ang reklamo, kasama ng naunang inihain laban kay de Lima.

“That is the reason we are still in the issue of whether we have jurisdiction or not. Hopefully by next week, I’m sure all the members have already read their copies of the amended complaint,” dagdag ni Sotto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending