Unang Pinay chess GM pinarangalan sa Kongreso
INAPRUBAHAN ng Kamara de Representantes ang resolusyon na nagbibigay pugay kay Janelle Mae Frayna, ang unang babaeng chess grandmaster ng bansa.
“Ms. Frayna’s win not only empowers women to excel in sports, be it a male dominated one like chess, but also encourages the youth to strive hard to attain their goals even ar a younger age,” saad ng resolusyon.
Binigyan ni House Speaker Pantaleon Alvarez si Frayna ng kopya ng House Resolution 12 na kumikilala sa kanyang naibigay na karangalan sa bansa matapos na makuha ang ikatlo at huling Woman Grandmaster norm sa 42nd World Chess Olympiad na ginanap kamakailan sa Baku, Azerbaijan.
“Ms. Frayna’s pioneering and historic achievement in the field of chess is a source of pride and inspiration to all Filipinos and a testament to the world of our indomitable spirit of competitiveness and excellence,” saad ng resolusyon.
Si Frayna ay anak ni George Frayna at Engr. Sonia Corazon Frayna, na tubong Legaspi City, Albay.
Siya ay kumukuha ng kursong Psychology Far Eastern University at kandidato sa cum laude.
Ang naturang resolusyon ay akda ni Rep. Joey Salceda ng Albay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.