Trillanes gagawing tagapatay ng mic sa mga pa-videoke na lalagpas ng 10 p.m. | Bandera

Trillanes gagawing tagapatay ng mic sa mga pa-videoke na lalagpas ng 10 p.m.

Ambet Nabus - September 20, 2016 - 12:35 AM

sen antonio trillanes

SA DAMI ng mga reaksyon laban kay Sen. Sonny Trillanes matapos ibandera sa buong mundo ang kaangasan at pagiging “bully” na public official ay talagang durog na durog ito ngayon.

Kahit ang mundo ng showbiz na madalas din niyang bisitahin at kumustahin dahil sa pagdikit sa mahal na mahal nating si Mother Lily Monteverde, ay galit na galit din at binigyan siya ng negatibong marka.

Ang pinag-uusapan nga nating eksena ay ang pagtatarayan nila ni Sen. Allan Peter Cayetano sa pagpapatuloy ng hearing sa isyu ng extra judicial killing under the chairmanship of Sen. Leila de Lima.

Pawang nagpakilala sa showbiz world ang tatlong nabanggit na senador, pero ni isa nga sa kanila ay never namang bumalik o gumawa ng mga batas (pwera kay De lima dahil baguhan pa) para maisulong ang mga isyu sa industriya ng showbusiness.

Hindi namin kinakampihan si Cayetano dahil wala rin naman siyang emote kundi mag-ingay sa Senado, pero sa naging asaran nila ni Trillanes, very obvious na ang huli ang kinainisan at hinusgahan ng bayan. Ha-hahaha!

Masahol pa sa mga baklaang eksena sa teleserye ang naging emote ng dalawa. Alin, kung kay Sen. Manny Pacquiao ginawa ni Trillanes ang ganu’n, baka may kinalagyan na siya ngayon. Ika nga ni dating Sen. Jinggoy Estrada, “Makakatikim ka sa akin. Hindi kita sasantuhin.”

No wonder pati ang mahal naming si Sen. Sonny Angara ay naaliw sa mala-soap operang hearing na ito na biglang nagpa-survey kung ano nga ba ang top trending scene that time sa hearing. Ha-haha!

Of course, pati ang netizens ay nag-participate dahil ngayon daw ay appointed na ni Pres. Rodrigo Duterte si Trillanes na tagapatay ng mikropono ng mga karaoke session na lalapgpas ng alas-10 ng gabi. Ha-hahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending