Willie mamimigay ng condo unit sa mga loyal na empleyado | Bandera

Willie mamimigay ng condo unit sa mga loyal na empleyado

Cristy Fermin - September 20, 2016 - 12:30 AM

willie revillame

PATULOY ang pamamayagpag ng Wowowin, mula nang mag-umpisa ang show ni Willie Revillame sa GMA 7 ay hindi na natinag ang magandang rating ng game show, iniwan niya nang milya-milya ang kanyang mga katapatang programa.

Hindi naman ‘yun nakapagtataka dahil sobrang tutok na tutok ang aktor-TV host sa kanyang show, wala siyang sinasayang na panahon, kapag may naiisip siyang bagong ideya ay agad nang kasunod nu’n ang production meeting sa kanyang bonggang-bonggang mansiyon sa Tagaytay.

Sundo at hatid ang kanyang staff, walang kailangang problemahin ang mga ito dahil nagpapahanda na siya ng masasarap na pagkain sa kanyang mga kasambahay, pag-uwi nila ay meron pa silang pambili ng mga prutas para sa kanilang pamilya.

Kuwento ng isang staff ng Wowowin, “Napakadaling i-please ni kuya. Magsipag ka lang, huwag mo lang pababayaan ang trabaho mo. Hindi mo kailangang sumipsip sa kanya, ‘yun pa nga ang pinakaayaw niya, e!

“Tahimik siyang nagmamasid, alam niya kung nagde-deliver ka o hindi, ‘yun lang ang puhunan mo para magustuhan ka niya, huwag na huwag mong pababayaan ang trabaho mo,” pagtatapat ng isa niyang staff sa Wowowin.

Sa isang palapag ng kayang Wil Tower Mall ay tinatapos na ngayon ang mga units na sa darating na buwan ay ipamamahagi niya na ang titulo sa mga staff niyang mula nu’n hanggang ngayon ay nananatiling tapat sa kanya.

May isang bedroom ang may kalakihan ding unit, nasa sentro ng Quezon City ang high-end at high-rise condo, pero ang pinakabongga sa lahat ay ang malawak na penthouse na magiging tahanan ni Willie Revillame.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending