Kabit na yayayaman | Bandera

Kabit na yayayaman

Joseph Greenfield - September 16, 2016 - 12:15 AM

Sulat mula kay Ayen ng Poblacion, Pilar, Bohol
Dear Sir Greenfield,
Sa kasalukuyan ay may kinakasama akong lalaking may asawa. Ganoon pa man, regular siyang umuuwi sa akin kaya kung tutuusin ay para na rin kaming mag-asawa. May isang anak na kami. Kaya lang minsan ay inaalala ko ang aking kalagayan—kung habambuhay na ba akong ganito na patago-tago at palipat-lipat ng apartment upang huwag makahalata ang asawa niya. Talaga kayang mahal ako ng lalaking ito. Sabi niya kapag daw nakipaghiwalay siya sa kanyang legal na asawa ay malaya na raw kaming magsasama, pero ang inaaala ko ay kailan pa kaya mangyayari iyon. Kung makikipaghiwalay ako sa lalaking ito, may pag-asa pa kaya akong makapag-asawa ng binata at makaranas na maikasal at magandang buhay? November 13, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Ayen ng Bohol
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May bilog sa unanahang bahagi ang Marriage Line (Illustration 1. Arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, hindi pangkaraniwan ang magiging karanasan mo sa pag-ibig at pag-aasawa at ang hindi pangkaraniwang ito ay kasalukuyan nang nagaganap, may tendency na maging kabit ka o kerida habambuhay.
Cartomancy:
Queen of Diamonds, Six of Diamonds at King of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kung mapera at mabait naman pala ang kinakasama mo sa kasalukuyan, kahit na siya ay pamilyadong tao ay mas mainam na ngayon pa lang mag-ipon ka na ng maraming pera habang kasama mo siya upang kung sakaling dumating ang araw ng inyong paghihiwalay ay mabigyan mo ng “future at security” ang sarili mo at ang kaisa-isa n’yong anak.
Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending