Pamilya ng magaling na female singer walang utang na loob | Bandera

Pamilya ng magaling na female singer walang utang na loob

Cristy Fermin - September 15, 2016 - 12:15 AM

BLIND ITEM FEMALE 0415
DAHIL sa kanyang talento at pagsisikap ay gumanda ang buhay ng pamilya ng isang female singer.

Naiahon niya sa hirap ang mga taong mahal niya, na pinahahalagahan naman ng mga ito nu’ng una, pero nu’ng bandang huli ay natalo na ng inggit ang mga taong sa kanya lang naman umaasa.

Marami siyang gustong gawin na kailangan pa niyang itago, meron siyang binibiling mga kagamitan para sa kanyang sarili na palihim pa niyang nakukuha, dahil naiinggit ang mga taong nakapalibot sa kanya.

Kuwento ng isang source na nakatutok sa buhay ng female performer, “Saan ka naman makakakita ng taong sarili na niyang pera, e, kailangan pa niyang ipaglihim sa mga taong wala namang kahirap-hirap at sa kanya lang umaasa?

“Nakaabang lang ang mga taong ‘yun sa kinikita niya, mukhang nasarapan na silang kumakain at natutulog na lang, dahil may kumikilos naman para sa kanila. Pero ang nakakaloka, pati ba naman mga bagay-bagay na makapagpapaligaya du’n sa tao, e, kailangan pa nilang panghimasukan?

“Kapag may binibili si _____ (pangalan ng magaling na female performer), e, hindi niya ipinakikita sa mga kapamilya niya, tagung-tago niyang ginagawa ‘yun, dahil kapag nakita na ng mga taong palagi lang namang nakanganga at sa kanya umaasa, e, siguradong magkakaroon sila ng pagtatalo!

“Spell inggit nang malakas! Mismo! Ganu’n nga ang mga kapamilya ng girl, marami silang kuda at kuwestiyon, hindi man lang nila naiisip na kung wala ang taong pinakikialaman nila, e, hindi sila lalafang!” kuwento ng impormanteng awang-awa sa female singer.

Araw-gabi na nagtatrabaho ang girl, pati mga shows sa malalayong probinsiya ay tinatanggap niya, mabigyan lang ng magandang buhay ang kanyang pamilya, pero pinagdadamutan pa siya.

“Naku, Bradly Guevarra, hindi ka mahihirapang i-spell ang name niya, napakaigsi, walang ka-effort-effort mong matutumbok kung sino ang nakakaawang female singer na ito!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending