Regine, JaDine, Lea, Mega may bagong sorpresa sa mga guro | Bandera

Regine, JaDine, Lea, Mega may bagong sorpresa sa mga guro

Jun Nardo - September 15, 2016 - 12:20 AM

regine lea sharon jadine

STAR-STUDDED na naman ang selebrasyon ng ikasiyam na taon ng PLDT Gabay Guro na magaganap sa Sept. 25, Sunday sa SM MOA Arena.

Magsisilbing tribute ito sa mga teacher kung saan mapapanood ang performances nina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Gary Valenciano, Pops Fernandez, James Reid, Nadine Lustre, Lea Salonga at Megastar Sharon Cuneta plus more surprises!

Mula sa isang chikahan ng maliit na grupo ng PLDT executives, nagkasundo silang palaganapin ang isang advocacy para sa teachers. Nabuo ang Gabay Guro sa ilalim ng PLDT-Smart Foundation.

Sa loob ng siyam na taon, meron ng mahigit isang libong scholars ang Gabay Guro, 300 LET passers, 496 active scholars as of August, 2016 at projected 167 scholars na ga-graduate sa 2017. Nakapagsagawa na rin ang foundation ng trainings para sa 16,000 teachers.

Ayon kay Ms. Chaye Revilla at team ng Gabay Guro visionaries, “Our nation’s children depend on our nation’s teachers to lead them to the future. And this teachers’ month, Gabay Guro gives tribute to those who teach the next generation of nation-builders!”

Isang buong araw ng entertainment, pagpapakaligaya at pag-uwi ng raffle prizes kasama ang house and lot at sasakyan ang mararanasan ng mga guro sa Set. 25 at ito ay exclusive para sa teachers na libre ang admission. Para sa dagdag na kaalaman sa Gabay Guro, bisitahin ang official website nito na gabayguro.com.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending