3 miyembro ng Hashtag umaming hindi na virgin | Bandera

3 miyembro ng Hashtag umaming hindi na virgin

Julie Bonifacio - September 12, 2016 - 12:10 AM

mccoy ronnie jimboy

SPEAKING of It’s Showtime, marami naman ang humanga sa pagiging honest nina Hashtag members McCoy de Leon, Ronnie Alonte at Jimboy Martin na umaming hindi na sila virgin sa Tonight With Boy Abunda.

Si Mccoy ang bida ngayon sa continuing weekly episodes ng Wansapanataym at mukhang klik na klik ang Hashtag member bilang tikbalang sa fantasy-drama series ng ABS-CBN. In fairness, mahusay si McCoy sa Wansapanataym, huh.

Say ni McCoy noong makausap namin sa backstage ng Showtime, sobrang blessed daw niya na nakuha siya bilang bida sa nabanggit na programa.

“Saka unang lead role ko po, ‘yung mga taong nakasama ko sa show ay napakagaan talaga. Tinutulungan at nauunawaan nila ako kapag sobrang pagod na ako sa taping,” sabi ni Mccoy.

Naniniwala si McCoy na mala-king bagay ang paglabas niya sa Pinoy Big Brother para mapili siya bilang bida sa Wansapanatym. Hindi rin biro ang pinagdaanan ni McCoy nu’ng nagsisimula pa lang sa showbiz.

Paekstra-ekstra lang daw siya noon. At kahit nagbida na, feeling niya marami pa rin siyang kailangang matutunan bilang artista.

“Dream ko makatrabaho ang mga bigating aktor natin gaya nina John Lloyd Cruz, Coco Martin. Tsaka po magkaroon ng award, ‘yun po ang dream ko sa showbiz,” lahad niya.

Kaya naman dream come true talaga para sa binata ang makatrabaho si Coco dahil, “Nagti-taping na po ako para sa bagong story ng Ang Probinsyano.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending