Liza bawal pa ring makipaghalikan kay Enrique; handa nang magpa-drug test
PARANG nabigla si Ogie Diaz sa abrupt na tanong sa kanya ng isang reporter kung nagpa-drug test na siya.
Walang kaabog-abog kasi na tinanong siya ng reporter, walang pasakalye, walang preno.
“Oo, any time puwede. ‘Wag lang silang mag-expect na pula ang dugong lalabas,” patawang sagot ni Ogie na kasama sa Kapamilya series na Born For You.
“Saka dapat lahat ng artista nagpapa-drug test para ma —prove kung hindi sila adik. ‘Yung iba kasi ihi lang, dapat daw kasi buhok,” say pa niya.
When asked kung nagpa-drug test na ang alaga niyang si Liza Soberano, Ogie said, “Wala pa pero Star Magic ang namamahala niyan. Oo naman pero nasa New York siya. Pauuwiin ko.”
Nang matanong naman kung sina Liza at Enrique Gil na, straight ang sagot ng ta-lent manager, “Ako tingin ko sila pero sino ba naman akong mahadera na parang…pero parang wala silang date, eh. ‘Di ba kapag may date meron din split up.”
Kung boto siya kay Enrique, Ogie nodded and said, “Oo naman, mabait naman si Quen, eh. Pero sabi ko nga, ako ba ang magde-decide diyan.”
Hindi naman daw humihingi ng payo sa kanya si Liza when it comes to matters of the heart as, “Hindi kasi marunong ang bata. Pero lagi ko siyang pinapaalalahanan sa mga contracts.”
Hindi nakikialam si Ogie sa love life lang kanyang alaga, “Hindi naman, basta ang importante, actually maano naman si Liza sa mga clause (ng contract niya). Particular siya roon. Hindi rin gusto ni Liza na mag-kissing.”
Parang nadulas si Ogie nang matanong siya kung ano ang mga projects ni Liza.
“Basta merong ipinu-push ang Star Magic. Parang ano lang, para ma-kilala lang ang artista ng Star Magic or ABS-CBN sa ibang bansa. Hindi ko alam kung si Liza lang. Basta ang alam ko kasama si Liza doon.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.