Coco, Julia nagkakalabuan na raw; hindi na nagkikita | Bandera

Coco, Julia nagkakalabuan na raw; hindi na nagkikita

Ambet Nabus - September 12, 2016 - 12:05 AM

julia montes at coco martin

HINDI kami naniniwala sa tsismis na nagkakadedmahan na sina Julia Montes at Coco Martin dahil sa sobrang pagka-busy sa kanilang mga trabaho.

Although wala pa naman talagang pag-amin mula sa dalawang Kapamilya stars, marami ang kumbinsidong more than friends na nga ang turingan nila. Nagkakataon lang kasing kapwa sila busy sa kanilang current teleserye na parehong nangunguna sa kanilang timeslot. Number one pa rin sa primetime ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco at hindi pa rin natitinag sa unang pwesto ang Doble Kara ni Julia sa hapon.

May mga source tayong nagkumpirma na regular pa rin ang communication nina Coco at Julia, pero sabi nga ng aming kausap, “Wala pa lang talagang label ang relationship nila.”

Para sa amin, perfect couple sina Julia at Coco dahil bukod sa pareho silang masipag at disiplinado sa trabaho, wala ka ring maririnig na negatibong intriga about them. In fact, puring-puri sila ng kanilang mga katrabaho dahil sa kanilang professionalism.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending