Eugene na-touch sa sulat ng isang batang fan
SOBRANG na-appreciate ni Eugene Domingo ang sulat sa kanya ng isang batang fan para iparating ang pagpapasalamat sa komedyana. Nagsisilbing inspirasyon daw kasi si Uge sa kanya na hindi lang pagpapatawa sa programang Dear Uge ang ipinamamalas.
Ipinagmalaki naman ni Eugene sa kanyang Snapchat at Instagram account ang sulat na ‘yon ng bata.
Aniya, “I found this today. Bless the child who appreciates and shares her dreams.”
Sa ngayon, balik-pelikula rin si Uge sa sequel ng “Ang Babae Sa Septic Tank 2” na balak isali ng Quantum Films sa 2016 Metro Manila Film Festival sa December.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.