Jessy napikon daw sa litrato nina Anne at Angel na magkasama; insecure pa rin | Bandera

Jessy napikon daw sa litrato nina Anne at Angel na magkasama; insecure pa rin

Cristy Fermin - September 09, 2016 - 12:01 AM

jessy angel anne

THE height naman ng kababawan ang kuwento na kaya in-unfollow ni Jessy Mendiola si Anne Curtis ay nang dahil lang sa retratong ipinost ng magandang aktres-TV host sa kanyang IG account na magkasama sila ni Angel Locsin.

Napakababaw namang dahilan nu’n, parang wala namang katiwa-tiwala sa kanyang sarili si Jessy kung totoo nga ang kuwentong kumakalat, nakasama lang ni Anne si Angel na ex ni Luis Manzano ay magkakaganyan na ang tinaguriang pinakaseksing babae ngayon?

Ang taong maligaya sa kanyang kasalukuyang buhay at relasyon ay hindi na nagbibigay ng pahalaga sa nakaraan ng taong nagpapaligaya sa kanya. Secure na secure na dapat siya.

Sa kaso ni Jessy, kahit isang libong retrato pa ang i-post ni Anne na katabi nito si Angel ay hindi na siya dapat pang maapektuhan, dahil sila na ni Luis ang magkarelasyon ngayon.

Ang insekuridad ay lumulutang lang kapag walang tiwala ang babae sa kanyang karelasyon at sa kanyang sarili mismo. Maraming multong naninirahan sa kanyang puso at isip na siya ang unang-unang natatakot.

Kung naniniwala si Jessy Mendiola na mahal na mahal siya ni Luis at totoong-totoo rin ang pagmamahal na ibinibigay niya ngayon sa aktor-TV host ay wala dapat ganyang kuwento.

Dapat ay maligaya siya, secure, wala nang kahit ano at kahit sinong nang-aabala sa kanyang isip at emosyon. Nakita lang niya ang retratong magkasama sina Anne at Angel Locsin na ex ng kanyang boyfriend ngayon ay nagkaganyan na si Jessy.

Ano ito, lokohan, agad-agad nang ia-unfollow ang isang taong nananahimik lang?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending