‘Modus’ ni male star para magkapera buking ni TV host-actor
MAY mga personalidad talagang may maiigsing memorya. Madali silang makalimot, madaling magbago ang kulay, lalo na kapag wala na silang kailangan.
Tulad na lang ng isang kilalang male personality na nu’ng mga panahong matindi ang kanyang pangangailangan ay palaging nakababad sa network kung saan nagso-show ang isang mas kilalang male personality.
Palibhasa’y kilala sa pagiging matulungin ang lalaking personalidad ay kinarir ng male personality ang madalas na pagdalaw sa aktor-TV host. Madalas siyang nandu’n sa dressing room ng kanyang friend kuno.
Kuwento ng aming source, “Natural, hindi siya umaalis na luhaan, inaabutan siya ni ____ (pangalan ng male TV host-actor) ng datung. At hindi bumababa ‘yun sa 10k, ha?
“Tuwing paalis na siya, e, may isinisingit na sobre ang male personality sa palad niya, getlak lang siya nang getlak, balik nang balik sa studio ang male personality.
“Pero may nalaman ang actor-TV host, ang datung palang ihinahatag niya du’n sa male personality, e, hindi naman napupunta sa maganda, nagsusugal pala ang inaabutan niya, nauuwi lang sa bisyo ang pera ng male personality!
“Mismong kapamilya pa ng guy ang nagkuwento sa TV host, kaya nu’ng bumalik siya sa studio, e, matamlay na ang pagtanggap sa kanya ng TV host. Saka talagang diniretso siya na huwag na munang dumalaw sa kanya si aktor dahil nagbibisyo pala siya,” kuwento ng aming impormante.
Hulaan n’yo kung ano ang sumunod na pangyayari? Ikinuwento ng male personality sa kanyang mga kaibigan na nagbago na ang TV host, yumabang na raw, porke sikat na ito at milyonaryo.
Dagdag na impormasyon ng aming source, “Nakakaloka siya, di ba? Napakaigsi ng memory niya! Sa dami ng naitulong sa kanya nu’ng TV host, e, ‘yung pagpapayo pa sa kanya ang naalala lang niya!
“At Bradly Guevarra, siniraan pa niya ‘yung TV host na naging super-generous sa kanya! ‘Yun kaya ang dahilan kung bakit nagkanega-nega ang personal niyang buhay?
“Nakakaloka siya, wala siyang utang na loob, ilang ulit siyang tinulungan nu’ng tao, pero siniraan pa niya? Wow naman!” pagtatapos ng aming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.