Quezon City driver kumubra ng P50M lotto jackpot
KIINUBRA na ng isang company driver ang napanalunan niyang P50 milyong jackpot sa Ultra Lotto 6/58 sa ginawang bola noong Agosto 28.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office, ang nanalo ay 54-anyos na driver, may-asawa at apat na anak, at taga Quezon City.
Tanging siya lamang ang nakakuha ng winning combination na 2-3-12-15-20-22 sa nabanggit na bola.
Plano ng nanalo na bumili ng sariling bahay at lupa. Magtatayo rin siya ng sariing transportation business.
Tutulungan din niya ang kanyang mga kapatid at magtatabi para sa kanilang hinaharap na pangangailangan. – Leifbilly Begas
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.