Sigaw ni Luis, lahat ng industriya may gumagamit ng ilegal na droga | Bandera

Sigaw ni Luis, lahat ng industriya may gumagamit ng ilegal na droga

Ervin Santiago - September 03, 2016 - 12:45 AM

LUIS MANZANO

LUIS MANZANO

NANINIWALA si Luis Manzano na kahit saang industriya ay meron at merong gumagamit ng ilegal na droga.

Negatibo ang resulta ng drug test ni Luis na ginawa mismo sa Camp Crame kamakailan. Kinailangang magpa-drug test ng TV host-comedian dahil aniya, “Personal requirements ko sa PNP for firearms.”
Ipinost daw niya sa kanyang Instagram account ang resulta ng test bilang suporta na rin sa kampanya ng pamahalaan laban sa droga.

“Pero sabi ko nga imposible naman na walang kahit anong industriya na walang hindi gumagamit. Meron at meron ‘yan. ‘Wag tayong magpaka-ipokrito naman,” aniya.

Hirit pa ni Luis, “Whether nasa opisina ka or artista ka, whether blogger ka or reporter ka or businessman ka meron rin namang gumagamit diyan. Pero hindi lahat gumagamit.”

Hinamon din niya ang ilang netizens na nagbanggit sa mga pangalan ng ilang artistang malalapit sa kanya tulad nina Anne Curtis, Billy Crawford at Vice Ganda na magpakita ng ebidensiya para patunayan ang kanilang mga akusasyon.

“Evidence, evidence. I can easily come up with names,” maikling tugon ni Luis sa panayam ng ABS-CBN.
Sa plano naman ng PNP at ni Pangulong Duterte na pangalanan ang lahat ng celebrities na sangkot sa droga, ito ang reaksiyon ni Luis, “Para sa akin kasi minsan may gray area. What if kung nagbebenta, medyo ibang usapan ‘yun pero for someone na, let’s say gumamit for a few times.

“Kunwari napariwara for a while tapos bigla nalang mababanggit siya tapos masisira ang career niya or ‘yung ginagawa niya, baka lalo siyang mag-drugs dahil masisira ang buhay niya. Baka mamaya ‘yun ang maging pusher or dealer.

“Now if nagbebenta talaga, ibang usapan naman ito tapos may solid evidence? Ibang usapan ito,” paliwanag ng binata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending