Tom napipilitang gumiling-giling sa #LIKE, napalaban kay Balang
NATUTO si Tom Rodriguez umarte, kumanta at mag-host nang pumasok siya sa showbiz. Sa bago niyang show na #Like, hindi lang siya maghu-host kungdi magsasayaw pa!
Makakasama rin niya sa GMA News & Public Affairs show na ito ang internet dance sensation na si Balang kaya kailangan niya ring umindak-indak at gumiling-giling.
“Siguro hindi pa rin ako sanay talaga. I can feel the level of energy you have to give out especially if you’re coming from taping na puro iyakan, sigawan, drama. Tinitimpla ko pa rin pero definitely I am enjoying myself.
“Kailangan lang makasabay ng katawan ko pa. Definitely challenging siya. Ibang klase ito sa Don’t Lose The Money. Since bago siyang area sa akin na takot na takot ako sa umpisa. Parang nangangapa pa rin ako. Hindi pa rin ako ganoon kasabay talaga.
“Pero towards the end ng Don’t Lose The Money, nag-i-enjoy na ako. Na-miss ko rin ‘yon. Pareho dito, ngayon pa lang nai-enjoy ko na. Tina-try ko nang habulin. Masanay.
“Lahat yata ng ginagawa kong trabaho sa Pilipinas dito ko natutunan. From acting, singing, hosting. Now dance naman! Ha! Ha! Ha! Turuan mo ako, Balang, huh! Tigas ng katawan ko at parehong kaliwa ang paa ko! Ha! Ha! Ha!” pahayag ni Tom.
Labanan ng social media sensations ang #Like. Sa unang episode ngayong hapon after ng Eat Bulaga, ang hatawan sa roof top ang maglalaban-laban.
Ang mga judge ay ang Taumbayan Likers na 100 members ng barangay ang
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.