Makapag-aasawa pa kaya? (2) | Bandera

Makapag-aasawa pa kaya? (2)

Joseph Greenfield - September 03, 2016 - 12:15 AM

Sulat mula kay Ashley ng Facebook
Problema:
1. Magandang araw po. Ako po ay humihingi ng solusyn sa aking problema. Wala po kasi akong boyfriend sa ngayon, pero gusto ko na pong mag-asawa. Sa edad kop o kasing 30 na, ay natatakot ako na baka tumandang dalaga. Lima po kaming magkakapatid, at pang-apat po ako. Yong dalawa kong kapatid ay may pamilya na. Kaya tatlo na lang kami ng ate ko at ng bunso na wala pang asawa.
2. Alam nyo Sir Greenfield, sa totoo lang natatakot ako, kasi lagi ng both side ng parents ko na may mga tumantandang dalaga, kaya iniisip ko baka nalahiin din ako ng hereditary traits na yon. Kaya sana malaman kop o kung makapag-aasawa pa ba ako? Mami-meet ko nap o ba ang soul mate ko this year or next year? January 20, 1986 po ang birthday ko.
Umaasa,
Ashley ng Facebook
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong nasa pagitan ng Aquarius at Capricorn ang sadyang nagpapagulo sa iyong buhay at sa iyong love life. Bagamat masasabing ikaw ay Aquarius (Illustration 2.) sa totoo lang naiimpluwensiyahan ka pa rin ng Capricorn, ito ang dahilan kung bakit hindi ka nagkakaroon ng masayang love life. Pero kung susubukan mong makipagkaibigan sa isang Virgo, Cancer, o sa isang lalaking isinilang sa buwan ng Mayo, tiyak ang magaganap, tulad ng nassabi na, walang himala, bigla kang magkaka-boyfriend hanggang sa tuluyan ng makapag-asawa.
Numerology:
Ang birth date mong 20 ay sadyang mahina. Ibig sabihin ito ay “weak number” at dahil weak number, medyo weak din ang iyong personality. Tama ka, kung lalakasan mo ang iyong loob, sugod ng sugod at arya lang ng arya, sa lahat ng bagay at ganon din sa love life, dahil sugod ng sugod makapag-aasawa ka na.
Handwriting Aanalysis:
Kung ang iyong signature ay nagtapos sa pababang strokes, walang duda, malabo ka ng makapag-asawa. Samantala kung ang signature mo naman ay malaki ang pagkakasulat, malaki ang mga letra at salita (na malamang ay hindi ganyan ang lagda mo) at nagtapos sa paitaas na stroke o papaitaas ang tilapon ng dulong bahagi ng iyong lagda, tiyak ang magaganap, sobrang laki ng tsansa na makapag-aasawa ka pa.
Huling payo at paalala:
Kung gusto mo talagang makapag-asawa, ang unang-unang dapat gawin baguhin mo ang iyong lagda, para mabago din ang perception o pananaw mo sa buhay at magsuot ka rin ng mapalad mong kulay na red at green. Kapag lagi kang gumagamit ng mapalad mong kulay at nagbago ang pananaw mo sa buhay, magbabago din ang iyong kapalaran, magkaka-love life ka, magkaka-boyfriend ka, at makapag-asawa hanggang sa tuluyan ng lumigaya habang buhay, na nakatakdang mangyari at maganap sa taong 2016 hanggang 2017 sa edad mong 30 hanggang 31 pataas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending