Aktres magaling manloko ng lalaki, kung makahuthot wagas | Bandera

Aktres magaling manloko ng lalaki, kung makahuthot wagas

Cristy Fermin - September 03, 2016 - 12:25 AM

BLIND ITEM FEMALE2 0903

MAGALING pala talagang gumawa ng paraan ang isang female personality para makuha ang kalooban ng lalaking tina-target niyang makarelasyon. Para-paraan lang ‘yan, sabi nga ng mga nakakakilala sa kanya, walang mas mahusay pa sa aktres pagdating sa ganu’n.

Sa una ay pa-hard-to-get kuno ang babaeng personalidad, kunwari ay inosente siya tungkol sa lalaki, pero saan ka. Nakaprograma na ang mga gagawin niyang kadramahan para makuha ang atensiyon ng guy.

Kuwento ng aming source, “Ay, ang galing-galing ng babaeng ‘yun! Kung anu-ano ang ipadadala niya sa guy, meron siyang mga trusted fans na puwede niyang utusan anytime para magdala ng kung anu-ano sa lalaki.

“Drama ang lahat dahil palalabasin niyang magaling siyang magluto, siya ang kunwari ang naghanda at may-I-cook ng mga padala niyang food. Siya rin daw ang nag-bake ng mga pastries na ipinadadala niya.
“Natural, very appreciative naman ang pinupuntirya niyang guy, imagine nga naman, isang kilalang girl pa ang nagluto para sa kanya? Ganu’n lang sa una, hanggang sa makuha na niya ang attention ng guy,” pasakalyeng kuwento ng aming impormante.

Tagumpay ang operasyon ng aktres, magiging sila na ng lalaki, pagkatapos ng kanyang mga kadramahang sakripisyo, du’n na rin magsisimula ang panibago niyang kadramahan.

Dagdag pa ng aming source, “’Yun na ‘yun! Mag-uumpisa na ang bago niyang operasyon, ang mga kadramahang siyempre naman, e, hindi na madededma ng guy, dahil magaling siyang umarte.

“Kesyo biglang nangangailangan ang mommy niya, pero hindi siya ready, dahil marami rin siyang tinutulungang mga kapatid niya. Marami! Pati nga mga taong wala namang kamalay-malay, e, nagagamit niya sa panghihingi ng datung sa guy.

“Bradly Guevarra, tama ka, ang tingin kasi ng girl na ito sa mga natataypan niyang karelasyunin, e, mina ng ginto na puwede niyang pakinabangan sa lahat ng oras ng pangangailangan niya!” pagtatapos ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending