LPA naging bagyo, lalabas din kaagad ng PAR
Leifbilly Begas - Bandera September 01, 2016 - 06:04 PM
Naging isa ng ganap na bagyo ang binabantayang Low Pressure Area ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.
Bago magtanghali kahapon ay itinaas na rin ng PAGASA sa kategoryang tropical storm ang bagyo na tinawag na Enteng mula sa mas mahinang tropical depression.
Kahapon ang bagyo ay nasa layong 730 kilometro sa hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.
May taglay itong hangin na umaabot sa 65 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugsong 80 kilometro bawat oras malapit sa gitna.
Umuusad ito sa bilis na 19 kilometro pahilagang silangan.
Kung hindi magbabago ang bilis at direksyon, ang bagyo ay inaasahang nasa layong 1,120 kilometro sa hilagang silangan ng Itbayat o nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending