Duterte pinangunahan ang pagsalubong sa mga napauwing stranded na OFWs sa Saudi | Bandera

Duterte pinangunahan ang pagsalubong sa mga napauwing stranded na OFWs sa Saudi

- August 31, 2016 - 04:08 PM

duterte3-0802

PINANGUNAHAN kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsalubong sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na ni-repatriate mula sa Saudi Arabia.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Duterte na nais niya sanang personal na pumunta ng Saudi Arabia para makita ang kalagayan ng mga Pinoy na matagal nang stranded sa naturang bansa.

“Last two weeks ago,  sabi ko sa kanila, I will leave for Riyadh within 72 hours. Hanapan ninyo ako ng eroplano kasi… pera,” sabi ni Duterte.

Idinagdag ni Duterte na napigilan lamang siya na ipagpaliban ang kanyang balak na pagpunta sa Saudi Arabia.

“So, inassess namin ‘yung sitwasyon. Hindi naman sila nag-ayaw. Pero sabi nila… postpone your trip for a better time. Eh sabi nga nila, tinutulungan ko naman lahat,” ayon pa kay Duterte.

Aniya, imbes na siya, si Labor Secretary Silvestre “Bebot” Bello III at Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay na lamang ang kanyang pinapunta sa Saudi Arabia.

“So, sabi ko, tulungan ninyo doon lahat ‘yung mga kababayan. But we are ready… or anytime, pag kailangan, sabi ko, nag-okay ang PAL pati Cebu Pacific that they will send immediately, upon notice eroplano,” sabi pa ni Duterte.

Tiniyak niya na nakahanda ang gobyerno na sunduin ang iba pang Pinoy na nagnanais makabalik ng bansa.

“Kaya lang gusto kong magpakita sana doon, magpa-papel. Sinabi nila, huwag kasi hindi naman sa talagang desperate ang situation at may mapapahiya. So sabi nila huwag na muna. Gusto kong pumunta talaga doon, noon pa,” ayon pa kay Duterte.

Kasabay nito, sinabi ni Duterte na may nakahandang contingency
ang gobyerno para sa mga apektadong OFWs.

“So, ngayon na, take time to reassess yourself… Itong small, medium and small enterprises. Nag-uumpisa na ako. Binuhusan ko ng pera ‘yan. Makahiram ka but you have to go the Department of Trade, mahusay tao diyan. ‘Yung nagdala nga ng Go, Go Negosyo noon. Makahiram ka ng pera, makapag-start ka ng negosyo mo…Take advantage of it. It’s for everybody, ‘yung small scale,” sabi pa ni Duterte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending