‘Planting The Seeds of Change’ para sa 2nd ToFarm filmfest | Bandera

‘Planting The Seeds of Change’ para sa 2nd ToFarm filmfest

Ervin Santiago - August 31, 2016 - 12:35 AM

direk maryo j delos reyes

NGAYON pa lang ay naghahanda na ang mga organizer ng 2nd ToFarm Film Festival na magaganap sa susunod na taon, sa pangunguna pa rin ng festival director na si Maryo J delos Reyes.

Naging matagumpay ang unang ToFarm filmfest kaya naman nagbigay ng thanksgiving party ang Executive Vice President ng Universal Harvester Inc. na si Dr. Milagros How para pasalamatan ang lahat ng tumulong at sumuporta sa kanilang makabuluhang proyekto, kabilang na ang entertainment press.

Para sa ikalawang taon ng ToFarm filmfest, ibinalita ni Dr. How ang magiging pagbabago sa nasabing event, “For our second year we’d like to talk about change. We’d like to know how our farmers can rise to a promising future.

“Kaya para sa taong ito ang ating tema ay Planting Seeds of Change. In order to achieve change, we have to accept and learn it,” ani Dr. How na todo rin ang pasasalamat kina direk Maryo (Festival Director) at Rommel Cunanan (Project Director).

Sey naman ni direk Maryo, “Nakakatuwa na na-appreciate nila ang mga pelikulang napanood nila, iba-iba kasi ang genre kaya hindi boring panoorin. Kaya ngayon, pangako ni Dr. How, mas malawak at mas malaki ang susunod na festival,” ani direk Maryo.

Ipinaalala rin ng direktor na dahil ang tema ng festival next year ay “Planting The Seeds of Change”, kaya ang istorya na dapat i-submit ng mga lalahok ay kailangang tungkol sa pagbabago – kung paano ipakikita ang mga makabagong teknolohiya sa pagsasaka at sa pag-aalaga ng mga hayop.

Sa Nov. 18, 2017 ang deadline of submission ng mga screenplays at sa Jan. 20, 2017 ang announcement of the six finalists sa 2nd ToFarm Film Festival 2017. Sa June 2 ang submission of the six completed full-length films.

Sa July 12 magsisimula ang 2nd ToFarm Film Festival Opening Ceremony at tatagal hanggang July 18, 2017 na siya ring petsa ng Awards and Closing ceremony.

Ang mga mananalo sa awards night ay tatanggap ng cash prizes, P500,000 sa best picture; P400,000 para sa 2nd best picture at P300,000 naman para sa pangatlo. This time, magdadagdag sila ng Best Child Performer dahil nakita nila sa unang festival na maraming mahuhusay na child performers.

Next month naman ay pupunta ang grupo nina direk Maryo sa Cebu at Davao para ipanood ang anim na entry sa nakaraang 1st ToFarm.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending