P2M reward naghihintay sa makapagtuturo ng pulis na protektor ng droga
NAG-ALOK si Pangulong Rodrigo Duterte ng P2 milyong pabuya sa sinomang makapagtuturo ng pulis na protektor ng droga sa bansa.
“So today, I might be inclined to place a reward on their head, the members of the ninja or the members of the police who are protecting the drug syndicates in this country. I am placing per head P2-million,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati matapos pangunahan ang paggunita ng National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City Lunes ng umaga.
Ayon kay Duterte, umaabot na sa 3.7 milyon ang mga Pinoy na adik, dagdag ang pahayag na ang kampanya laban sa droga ay patuloy na magiging madugo.
“I will be harsh as I can ever be,” ayon pa rito.
“I will not relent. The campaign will be continuous. I will finish this war against corruption, drugs, and crime,” dagdag pa niya.
“And you might want to — ipagbili mo na yung mga kaibigan na ‘yon. I want them— I want the police and the Armed Forces to destroy the drug apparatus in this country,” ayon pa kay Duterte.
Samantala, muling ipinagtanggol ni Duterte kung bakit puro mga mahihirap lamang ang napapatay sa kampanya kontra droga.
“Just because he is poor, he has to earn, he has to sell shabu. That act does not really matter because they should be protected. I do not simply disagree with you. I consider the fight against drugs a war. There’s a crisis in this country. These drugs. We might still end up like the South American countries and their fractured governments,” paliwanag pa ni Duterte.
Sinabi pa ni Duterte na mismong si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep Gloria Macapagal-Arroyo ang nagpahayag ng pagkaalarma sa problema ng droga matapos itong ideklara bilang bahagi ng pambansang banta sa seguridad ng bansa.
“It has infected every nook and corner of this country involving generals, mayors, governors, barangay captains and so many of the ninjas, they call them. These are the police who are into it,” ayon pa kay Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.