JaDine nag-level up sa Till I Met You: Mas mature at palaban
MATAAS ang expectation ng madlang pipol sa bagong teleserye ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment, ang Till I Met You nina James Reid at Nadine Lustre.
Shot in Greece, Till I Met You is a story of two people who were tested and challenged to give up everything to show that real love wins.
Gaganap si Nadine bilang si Iris na nangangarap makapagbigay ng magandang buhay sa kanyang pamilya. Si James naman si Basti na isang rebeldeng anak na nagtatrabaho bilang tour guide sa Greece.
Magtatagpo ang kanilang landas dahil sa common friend nilang si Alejandro (JC Santos), anak ng military general at isang cook.
Maganda ang magiging simula ng kanilang pagkakaibigan ngunit mawawasak ito sa hindi i-naasahang pagkahulog ng loob ni Basti kay Iris. Ikagagalit ito ni Alejandro na magdadala sa kanila sa puntong kailangan nang mamili: pagkakaibigan ba o pagmamahal?
Promise nina James at Nadine ibang-iba naman ito sa mga naging karakter nila sa On The Wings Of Love bilang sina Leah at Clark. Si James daw ay mas game na game rito at taung-tao habang si Nadine naman ay mas palaban at may pagka-bully sa istorya.
“Exciting yung story ng Till I Met You, it’s something new na hindi pa namin nagagawa ni Nadine. And you have to see the chemistry of all the characters in the series,” sey ni James.
Dagdag naman ni Nadine, “Basta ang masasabi ko lang nag-level up uli yung partnership namin ni James kaya yun ang aabangan ng viewers.”
Bukod sa mga nakakakilig at nakakatuwang eksena nina James, Nadine at JC, dapat ding abangan ang mga makapigil-hiningang tanawin sa Greece kung saan kinunan ang mahahalagang eksena ng Till I Met You. Siyempre, kaabang-abang din ang mga pasabog ng iba pang members ng cast tulad nina Zoren Legaspi, Carmina Villaroel, Pokwang, Angel Aquino, Kim Molina, at Robert Sena with the special participation of Richard Yap and Jay Ma-nalo.
Magsisimula na ito sa Lunes sa Primetime Bida ng ABS-CBN after FPJ’s Ang Probinsyano, directed by Antoinette Jadaone.
Samantala, ayaw munang idetalye ng JaDine at ni direk Antoinette kung paano ita-tackle ang isyu ng mga LBGT sa serye. Basta sey ni direk, magsisimula ang lahat sa friendship at dito na magsasanga-sanga ang twist and turns ng istorya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.