Juday inokray sa pagda-diet; 'bakit sobrang taba mo pa rin?' | Bandera

Juday inokray sa pagda-diet; ‘bakit sobrang taba mo pa rin?’

Djan Magbanua |August 26,2016
facebook
share this

Juday inokray sa pagda-diet; ‘bakit sobrang taba mo pa rin?’

Djan Magbanua - August 26, 2016 - 06:59 PM
AS ever, magalang pa rin makitungo si Judy Ann Santos kahit sa pinakabastos nitong basher. Kasi ba naman, sinita-sita ng isang mahaderang basher ang ginagawang pagda-diet ni Judy Ann, kaya nga nangako ang aktres na siya ang una niyang ia-update sa ginagawa niyang pagpapapayat. Sa isang Instagram post, isang @jhoannadelrosario ang kinuwestiyon ang pagdidiet ni Juday.  Chika nito: “Akala ko ba nagdidiet ka? Bat sobrang taba mo pa rin?” ang pagtataray nito. Very cool naman ang pagsagot ng asawa ni Ryan Agoncillo dito which earned her points to her fans.@jhoannadelrosario hi! Naku sorry.. Affected ka ba na mataba pa rin ako? Pesensya na hindi ko kasi alam na nagmomonitor ka pala.. D bale.. Pag pumayat ako ikaw unang unang itatag ko ah, para mabawasan bigat ng dibdib mo.” sey ni Juday. Nagbabalik alindog program si Judy Ann matapos ngang manganak nito sa kanilang ikatlong anak na si Baby Luna.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending