Gibo muling tinanggihan ang alok ni Digong na maging Defense chief
MULING tinanggihan ni dating Defense secretary Gilbert Teodoro ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling italaga sa kanyang dating posisyon.
Sa isang press conference sa Davao City, sinabi ni Duterte na mananatili rin si Defense Secretary Delfin Lorenzona sa kanyang posisyon matapos piliin ang kanyang kasalukuyang puwesto imbes na maging Philippine Ambassador to United States.
“So wala akong…si Gibo, talagang naghugas kamay. These are the guys siguro who had a… who had some…
Maybe ‘disenchanted’ would be the word. You know, he ran for president. Itong si Lorenzana naman, eh gusto niya ng kaganda ng buhok niya nung pumunta yan dito, ngayon wala na siyang buhok. Konti na lang,” sabi ni Duterte.
Idinagdag ni Duterte na mas gusto na lamang ni Lorenzana na manatili sa bansa.
“Ayaw niya eh, ayaw rin ni Gibo, ibig sabihin, maghanap tayo ng iba,” sabi pa ni Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.