Medalya, P1.5M bigay kay Hidilyn Diaz ng Kamara
Binigyan ng Congressional Medal of Distinction sa Kamara de Representantes kahapon ang Rio Olympic silver medalist na si Hidilyn Diaz.
Bukod sa karangalan, sinabi ni 1PACMAN Rep. Mikee Romero na nakalikom sila ng P1.5 milyon cash incentives para kay Diaz na tumapos sa 20 taong tagtuyo ng bansa sa medalya mula sa Olympics.
“Expect many of our athletes to make serious attempts to bring home international competition honors soon. They will surely draw inspiration from what Diaz has been reaping so far,” ani Romero.
Ang medalyang natanggap ni Diaz ay nagpantay sa kanya kay Sen. Manny Pacquiao na nakatanggap nito matapos ang kanyang panalo sa boksing.
“This achievement of Hidilyn Diaz affords great pride and honor to the country as it strives to produce better athletes out to conquer the world circuit,” dagdag pa ni Romero na isa sa mga unang naghain ng resolusyon upang kilalanin ang nagawa ni Diaz.
Inaprubahan ng Kamara ang House Resolution 175 bilang pagkilala kay Diaz na tubong Zamboanga City. Ang resolusyon ay binubuo ng halos 40 resolution na inihain ng iba’t ibang kongresista na pinangunahan ni Speaker Pantaleon Alvarez.
Kahapon ay inanunsyo ng AirAsia ang pagbibigay ng limang taong libreng sakay kay Diaz. Si Romero ang chairman ng AirAsia.
30
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.