Isa ang nanalo ng P22.617 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 sa bola kamakalawa ng gabi. Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office isa ang nakakuha ng winning number combination na 33-34-02-30-37-20. Ang nanalo ay tumaya sa Tabaco, Albay. Nanalo naman ng tig-P25,000 ang anim na mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P1,000 naman ang 697 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 14,196 mananaya na nakatatlong numero. Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.