Aga: Matagal ko nang gustong bumalik sa ABS!
NO comment ang sagot ng ABS-CBN’s talk and reality show business unit head na si Louie Andrada when asked sa napabalitang pagpirma ng managerial contract ng dati niyang morning show host na si Kris Aquino kay Tony Tuvierra ng APT Entertainment.
Natanong namin si Louie sa “welcome home” presscon para kay Aga Muhlach na siyang ikaapat na judge para sa bagong talent-reality show na Pinoy Boyband Superstar na ipapalit sa The Voice Kids.
Halos lahat ng talk shows ni Kris sa Kapamilya network ay si Louie ang BUH kabilang na ang Kris TV na pinalitan ng Magandang Buhay.
Speaking of Pinoy Boyband Superstar, si Aga raw talaga ang unanimous choice nila bilang ikaapat na hurado ng ng bagong talent-reality show ng ABS-CBN.
“This show is about giving back and mentoring. Noong inalok nila sa akin ang show, we talked about it, me and my wife (Charlene Gonzales). I said, I think this is the right path. Ito ang nagbukas ng pinto sa tamang pagpasok,” sabi ni Aga.
Matatandaan na isa sa original Kapamilya stars si Aga, ang last show niya sa ABS ay ang comedy-family drama with the Comedy Queen Ai Ai delas Alas six years ago, ang M3: Malay Mo Ma-Develop.
Umalis si Aga sa ABS-CBN, gumawa ng programa sa TV5 at pagkatapos ay tumakbo for public office.
“Matagal ko nang gustong bumalik sa ABS-CBN. I’m happy to be back,” diin ni Aga na makakasama sina Vice Ganda, Sandara Park at Yeng Constantino bilang mga hurado ng Pinoy Boyband Superstar.
Wala rin daw problema ang production pagdating sa talent fee ng mga hurado nila sa show kahit na malalaking pangalan na ang mga ito sa industriya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.